Newsroom

MIST tulay tungo sa pagbabago at katuparan ng mga pangarap ng bawat Makilaleño

DSC_8896

Glenda at anak na si Dareen na kumukuha ng Entreprenuership

Pangarap ng isang magulang na ang kanilang mga supling ay makapag-aral at makapagtapos upang maging maunlad ang kanilang pamumuhay tungo sa minimithing magandang kinabukasan.
Kaakibat nito ang pangarap ng isang anak na mabigyan katuparan ang pangarap ng minamahal na mga magulang upang maibsan ang dinaranas na paghihirap sa buhay at makatulong upang mabigyang kaginhawaan at matumbasan ang pagmamahal at mga sakripisyo at pinaghirapan ng mga magulang.
Ang mga damdaming ito ay pinag- ugnay ng pagkakataon sa pamamagitan ng Makilala Institute of Science and Technology.
Si Ginang Maria Glenda Munez, ay dating barangay Kagawad ng Barangay Villaflores, 45 years old, may asawa, may tatlong anak na pinapag-aaral, at asawa ng isang tapper ng goma.
DSC_8818Si Glenda ay isa lamang sa dalawamput walong estudyanteng kasama sa pinning at candle light ceremony ng kursong midwifery nitong nakalipas na December 10, 2015 sa Makilala Gymnasium.
Ang nagsagawa ng pinning kay Glenda ay ang kabiyak sa buhay na si Rene kasama na ang kanilang panganay na anak na si Dareen Munez na dinaluhan naman ng may 1,400 kabuoang mag-aaral at mga guro ng MIST at mga magulang ng nag-aaral ng midwifery.
Si Dareen ay nasa pangalawang taon na ngayon sa kursong Entrepreneurship sa MIST.
Ayon kay Rene, taos puso ang kanyang pasasalamat sa inisyatiba ni Mayor Rudy Caoagdan na maitayo ang MIST sa tulong ng Sangguniang Bayan upang mabigyan katuparan ang mga pinapangarap ng mga Makilaleño na makapagtapos ng kolihiyo ang kanilang mga anak.
Hindi naman ang mabayaran ang tuwa at galak ni Glenda habang inilalagay ang pin sa kanya bilang panimula ng midwifery dahil ito ang kanyang pinangarap kahit noong siya’y bata pa at nasa high school pa lamang – na maging isang midwife.
Ang anak na si Dareen ay may pagkamahiyain, subalit hindi maikakaila ang ningning ng kanyang mga mata sa pagpapasalamat sa lokal na pamahalaan ng Makilala sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang pamilya, kasama na ang ina na mabago ang kanilang buhay upang guminhawa.
Ang kwento ng mag-asawang Rene at Glenda, kasama ng anak na si Dareen ay isa lamang sa mga kwento ng buhay na nabigyang pag- asa ng pagkakatatag ng Makilala Institute of Science and Technology upang mabigyang katuparan ang kanilang mga Pangarap at minimithing tagumpay tungo sa magandang kinabukasan.
Ayon pa kay Mayor Rudy Caoagdan “mahirap ang maging isang mahirap at napakasakit na maging mahirap sa habang buhay, dahilan upang magsumikap sa kadahilanang nasa sa ating mga kamay ang ikapagtatagumpay at katuparan ng ating mga mithiin at pangarap sa buhay.”

Top
Top